Si Zhang ang nagsaboy ng taho kay PO1 William Cristobal sa Boni Station ng MRT noong Sabado.
Ayon kay Eastern Police District director Chief Supt. Bernabe Balba, nagpiyansa ng halagang P12,000 si Zhang alas-4:30 ng hapon ng Martes.
Matapos pakawalan ay nakapulong ng Chinese National ang mga kinatawan ng Bureau of Immigration (BI).
Nahaharap ang dayuhan sa kasong direct assault, disobedience to an agent of a person in authority at unjust vexation.
Nakakita na rin ng basehan ang legal team ng BI para ipa-deport si Zhang.
MOST READ
LATEST STORIES