Patay ang 5 hinihinalang miyembro ng gun-running group matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy bust operation sa Quezon City.
Isang pulis naman ang nasugatan sa enkwentro sa mga suspek.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Michael Desuyo habang ang apat na iba pa ay patuloy na tinutukoy ang pagka-kilanlan.
Nangyari ang enkwentro sa bahay sa De Vega compound sa Barangay Fairview.
Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) na si Chief Supt. Joselito Esquivel, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga pero nagkabarilan dahil nahalata ng mga suspek na mga pulis ang kanilang katransaksyon.
Ang nasugatang pulis ay ang nagpanggap na buyer ng droga.
Sa operasyon ay nasa 12 units ng caliber 38 revolver ang naorder ng mga pulis sa mga suspek.
Narekober sa lugar ang iba pang baril gaya ng caliber .45, mga bala at pera.
Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, hinihinala na ang mga suspek ay sangkot sa ibang krimen gaya ng gun for hire na pwedeng magamit sa karahasan sa eleksyon.