Iba’t ibang paglabag sa alituntunin sa eleksyon ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) sa unang araw ng kampanya sa national positions.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang sa paglabag ang nagkalat na campaign posters at mga hindi otorisadong rally.
Sa Metro Manila ay 12 trak ng illegal posters ang nakumpiska ng ahensya sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni Jimenez na karamihan sa mga nakuha ay maituturing na “giant posters” at mga banners na wala sa common poster areas.
Dagdag ni Jimenez, may ilang lokal na kandidato na sumabay sa kampanya ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list group.
Ito ay kahit sa March 29 pa ang simula ng kampanya para sa local positions.
Una nang binalaan ng Comelec ang mga lalabag na kandidato na mananagot sila sa kaukulang election laws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.