MTRCB itinangging sinuspinde nila si Jose Manalo
Dahil ilang araw nang sunod-sunod na wala si Jose Manalo sa noontime show na Eat Bulaga patuloy ang mga spekulasyon hinggil sa hindi nito pagpasok.
Kasama sa mga spekulasyon ng mga masugid na tagasubaybay ng Eat Bulaga ay sinuspinde umano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Jose, ang umano’y panganganak ng kasintahan nito na nasa US, at ang paghingi umano niya ng mataas na talent fee mula sa TAPE.
Pero ipinaliwanag ni MTRCB Chairman Toto Villareal sa panayam ng Radyo Inquirer na wala silang inilalabas na suspensyon laban kay Jose Manalo.
Katunayan sinabi ni Villareal, walang hurisdiksyon ang MTRCB sa mga ‘personalities’ gaya ni Manalo at sa halip ay tanging sa mga programa lamang ang kanilang sakop ng kanilang mandato.
“MTRCB has no jurisdiction over personalities, nasagot na iyan sa Laguardia vs Soriano case, ang jurisdiction ng MTRCB ay sa mga programa, at kapag ang sagkot ay personalidad at ang television channel ay miyembro ng KBP, ang KBP ang may jurisdiction doon sa personality,” paliwanag ni Villareal.
Niliaw din ni Villareal na sa ngayon ay wala namang natatanggap na reklamo ang MTRCB laban sa Eat Bulaga o kay Manalo partikular sa role nila bilang ‘Tinidora’ sa segment na ‘Kalyeserye’.
Sinubukan namang hingin ng Radyo Inquirer ang panig ng TAPE Inc., pero tumanggi silang sabihin kung bakit ilang araw nang wala si Jose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.