Joma Sison at 7 iba pa, kasama sa bagong “terrorist list” ng DOJ
Tinanggap na ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang bagong “terrorist list” ng Department of Justice (DOJ).
Nakasaad sa listahan, na pirmado ni Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, mayroon lamang itong walong personalidad at inalis ang nasa 600 pangalan.
Base sa amended petisyon na inihain ng DOJ noong January 3, kasama sa “terrorist list” sina Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison, Jorge Madlos, Jaime Padilla, Francisco Fernandez, Cleofe Lagapon, Antonio Cabanatan, Leonido Nabong at Myrna Sulate na pawang mga leftist leaders.
Subalit binanggit ni Judge Malagar sa kanyang resolusyon na maaaring ipatawag si Sison at Cabanatan dahil napatunayan ng DOJ na may koneksyon ang mga ito sa CPP at New People’s Army (NPA).
Si Sison ay nasa The Netherlands habang si Cabanatan amg sinasabing secretary ng NPA Mindanao Commission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.