Dishwasher, nahulihan ng 1 kilo ng shabu sa Cebu City

By Len Montaño February 12, 2019 - 10:55 PM

Benjie Talisic, CDN

Arestado ang isang dishwasher o taga-hugas ng mga pinggan sa isang restaurant sa Cebu City matapos itong makuhanan ng 1 kilo ng shabu.

Nakumpiska kay Joxel Chan, 28 anyos, ang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa kanyang bahay sa Sitio San Vicente, Barangay Duljo.

Ayon kay Chief Insp. Kenneth Paul Albotra, hepe ng San Nicolas Station, minanmanan si Chan ng 1 buwan saka nagkasa ng buy bust operation laban sa suspek.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-transaksyon kay Chan.

Nakuha sa dishwasher ang P8,000 halaga ng shabu. Nakita rin sa bahay nito ang mas marami pang pack ng shabu na nasa 1 kilo.

Pag-amin ni Chan, nagsimula siyang makipag-transakyon sa kanyang supplier noong nakaraang buwan.

Dahil kulang ang kita bilang dishwasher ay nagbebenta si Chan ng droga pagkatapos ng trabaho nito sa restaurant.

Iniwan umano ng isang kaibigan ang droga sa kanya sa halagang P2,500 at kukunin ito ng buyer.

TAGS: 1 kilo shabu, buy bust, Cebu City, dishwasher, shabu, 1 kilo shabu, buy bust, Cebu City, dishwasher, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.