AFP naka-alerto sa inaasahang pangongotong ng NPA sa mga kandidato

By Angellic Jordan February 12, 2019 - 03:22 PM

Inquirer file photo

Ipinag-utos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. sa mga sundalo na maging alerto sa mga aktibidad ng New People’a Army (NPA).

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng campaign period para sa midterm elections ngayong araw.

Kilala ang NPA members na nangingikil ng pera sa mga kandidatong nais mangampanya sa mga lugar na mayroon silang operasyon.

Ayon kay Madrigal, idineklara nang persona non grata ang NPA sa ilang lugar tulad ng Compostela Valley at Eastern Mindanao.

Dahil dito, wala na aniyang dapat maganap na pangingikil sa mga nabanggit na lugar.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga tropa ng pamahalaan na wala dapat kampihan at panatilihing protektado at maayos ang kasagsagan ng halalan.

TAGS: AFP, campaign period, Extortion, madrigal, NPA, AFP, campaign period, Extortion, madrigal, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.