Pagbubukas ng Kennon road pansamantala lang ayon sa DPWH

By Angellic Jordan February 12, 2019 - 03:16 PM

Inquirer file photo

Pansamantalang bubuksan ang Kennon Road sa Baguio City sa ilang partikular na araw ngayong buwan ng Pebrero at sa buwan ng Marso.

Bubuksan ang kalsada simula sa araw ng Huwebes, February 14, hanggang Pebrero 18 at maging sa February 22 hanggang March 4.

Sa anunsiyo ng Department of Public Workds and Highways (DPWH), ito ay para bigyang-daan ang mga dadalo sa Panagbenga Festival at Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming.

Ngunit paliwanag ni D-P-W-H Secretary Mark Villar, tanging mga light vehicles lamang o mga sasakyang may bigat na limang tonelada ang maaaring makadaan.

Aniya pa, layon nitong makabawas sa dami ng mga sasakyang dadaan sa Marcos Highway.

Paalala naman ni Villar, maaaring dumaan ang mga motorista na manggagaling sa Baguio na dumaan sa Marcos Highway, Naguilan Road at Asin-Nangalisan-San Pascual-Tubao Road.

TAGS: Asin-Nangalisan-San Pascual-Tubao Road., DPWH, Kennon Road, Marcos Highway, Panagbenga Festival, PMA Alumni Homecoming, Villar, Asin-Nangalisan-San Pascual-Tubao Road., DPWH, Kennon Road, Marcos Highway, Panagbenga Festival, PMA Alumni Homecoming, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.