5 pulis-Pasay sinibak matapos mag-abugado umano sa Chinese national na inireklamo ng panghihipo
Sinibak sa pwesto ang limang pulis sa Pasay City police office dahil sa mishandling umano sa kaso ng Chinese national na inireklamo ng panghihipo sa tatlong babae.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar kabilang sa mga sinibak sa pwesto sina si Chief Inspector Remedios Terte, hepe ng Pasay police precinct 1, at sina PO3 Archie Rodriguez, PO3 Ranier Dumanacal, SPO2 Jonathan Bayot at SPO3 Timothy Mengote.
Sinabi ni Eleazar na inirekomenda ng nabanggit na mga pulis na makipag-areglo na lang ang mga biktima sa Chinese na suspect na si Zhang Yang.
Ang mga biktima mismo ang nagpaabot ng pangyayari sa NCRPO.
Ang tatlong estudyanteng biktima ay magkakasama sa loob ng horror house sa isang theme park sa Pasay City nang sila ay hipuan umano ni Yang.
Si Yang ay empleyado ng isang online casino.
Sinabi ni Eleazar na ang pagsibak sa pwesto sa 5 pulis ay para bigyang-daan ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.