WATCH: Unity motorcade isinagawa sa Zamboanga Del Norte

By Jan Escosio February 12, 2019 - 12:34 PM SHARE(S):
Radyo Inquirer Photo | Jan Escosio
Zamboanga Del Norte – Pinangunahan ng Hugpong ng Pagbabago – Aggrupation of Parties for Progress o APP ni Zamboanga del Norte 1st District Representative Steph Frederick ‘Bullet’ Jalosjos ang Unity Motorcade sa buong lalawigan.

Ang motorcade ay isinagawa para sa pagpapakita ng suporta kay dating Special Assistant to the President Bong Go, na ngayon ay kabilang sa senatorial candidates ng administrasyon.

Sa Dipolog City, nakasama sa motorcade si City Cice Mayoralty Candidate Francis Ching.

Samantala, si 1st district Congressional Candidate Romeo ‘Jon Jon’ Jalosjos naman ang namuno sa motorcade.

Sumama sa motorcade ang ibat ibang grupo ng mga kabataan, mga habal-habal drivers, barangay officials, vendors associations na may bilang na libo-libo at mga pribadong indibiduwal na karamihan ay mga negosyante.

TAGS: Radyo Inquirer, unity motorcade, Zamboanga del Norte., Radyo Inquirer, unity motorcade, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.