Suspendido “indefinitely” ang pagpapatupad ng bagong “beep card” o “tap-and-go card” sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).
Sa statement na naka-post sa official twitter account ng “Beep Smart Card”, humingi ito ng paumanhin sa publiko dahil sa pagsuspinde ng implementasyon ng “beep card” sa LRT lines 1 and 2 at sa MRT3.
Mayroon umanong technical at supply issues na kailangan munang tugunan bago pormal na maipatupad ang paggamit ng bagong mga cards sa tatlong linya ng mga tren.
Ang stored value ng nasabing card ay reloadable ng hanggang P10,000 at maari sanang magamit sa tatlong linya na kinabibilangan ng Line 1 at 2 ng LRT at sa MRT3.
Target sana ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na mailunsad ang beep card sa LRT2 noong Mayo, sa LRT1 ngayong buwan ng Hunyo at sa MRT 3 sa Setyembre. Dona Dominguez-Cargullo