Kaso laban sa Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis ipinasasampa na sa korte

By Ricky Brozas February 12, 2019 - 12:08 PM

NCRPO Photo

Inilabas na ng Mandaluyong City Prosecutor´s Office ang inquest resolution sa reklamong isinampa ni PO1 William Cristobal laban sa Chinese student na si Jiale Zhang.

Sa resolusyon, inirekomenda ni City Assitant city prosecutor Leynard Dumlao ang pagsasampa ng paglabag sa article 148 ng Revised Penal Code o direct assault upon agent of person in authority laban kay Zhang.

Inabrubahan naman ito ni City Prosecutor Bernabe Augustos Solis.

Ibinasura naman ng piskalya ang reklamong unjust vexation laban sa Chinese national dahil resulta na lang anya ito ng ginawang direct assualt sa police officer.

Nitong weekend, nag-viral ang larawang kuha ng pagsaboy ni Zhang ng kanyang dalang taho kay PO1 cristobal sa Boni Station ng MRT-3.

Ito ay matapos na hindi sya papasukin at sinabihang ubusin muna ang pagkain dahil sa paghihgpit ng pagdadala ng likido at mga pagkain sa loob ng MRT station.

TAGS: chinese national, jiale zhang, MRT 3, Radyo Inquirer, chinese national, jiale zhang, MRT 3, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.