Sa Barangay Old Balara sa Quezon City ginugol ni Bayan Muna chairman at Makabayan Senatorial candidate Neri Colmenares ang unang araw ng kampanya.
Nakipag-almusal si Colmenares sa mga senior citizen sa nasabing lugar.
Tinatayang 50 senior citizens na residente sa Old Balara ang nakipag-almusal at nakipagkwentuhan kay Colmenares.
Karamihan sa kanila, naghayag ng mga isyu tungkol sa pensyon at benipisyo para sa mga nakatatanda.
Pinangakuan naman sila ni Colmenares na ipaglalaban ang masa.
Maliban sa almusal kasama ang mga senior citizen, ngayong unang araw ng kampanya ay nakilahok din sa isang forum sa UP si Colmenares at noise barrage sa East Avenue sa Quezon City mamayang hapon.
MOST READ
LATEST STORIES