Pangulong Duterte may private time sa unang araw ng campaign period

By Chona Yu February 12, 2019 - 10:52 AM SHARE(S):

Bagaman inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na aktibong mangangampanya ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga napiling kandidato, no show naman ito sa proclamation ng senatorial slate ng Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando City, Pampanga.

Ang HNP ang regional party ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Undersecretary Feducia Mia Reyes-Lucas ng MalacaƱang’s Media Accreditation and Relations Office, may private time lamang ngayong araw ang pangulo.

Wala aniyang nakatakdang aktibidad ngayong araw ang pangulo sa pagsisimula ng 90-araw na 2019 midterm elections.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang administration slate kundi presidential slate lamang.

TAGS: 1st day of campaign period, National Elections, President Rodrigo Duterte, private time, 1st day of campaign period, National Elections, President Rodrigo Duterte, private time

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.