Paghahain ng deportation case laban sa Chinese na nanaboy ng taho sa pulis sa MRT, inirekomenda ng legal division ng BI

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 10:34 AM

NCRPO Photo

Inirekomenda na ng Bureau of Immigration (BI) Legal Division ang paghahain ng deportation case laban sa babaeng Chinese na nanaboy ng taho sa isang pulis sa MRT-3.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, may nakitang sapat na batayan ang legal team ng ahensya upang ipatapon palabas ng bansa si Jiale Zhang.

Sinabi ni Sandoval na maaring maghain ng motu proprio case ang BI laban sa dayuhan.

Mayroon naman aniyang mga patunay na nangyari ang insidente gaya na lamang ng mga larawan na kumalat sa social media.

Kahapon ay inilabas din ang CCTV footage sa loob ng MRT-3 Boni Station kung saan naganap ang pananaboy.

Bagaman kinasuhan na ng PNP ang dayuhan sa kaniyang ginawa ay wala pang naghahain ng deportation case laban dito sa BI.

TAGS: Chinese woman, deportation case, jiale zhang, MRT 3, Radyo Inquirer, taho incident, undesirable alien, Chinese woman, deportation case, jiale zhang, MRT 3, Radyo Inquirer, taho incident, undesirable alien

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.