LOOK: Magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada, nag-shake hands sa campaign rally ng HNP

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 10:20 AM

INQUIRER Photo

Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan, itinaas ng magkapatid na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada ang kamay ng isa’t isa sa pag-arangkada ng campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa unang araw ng kampanya, sa San Fernando City sa Pampanga napili ng HNP na ilunsad ang kanilang caravan.

INQUIRER Photo | Grig Montegrande

Sina Ejercito at Estrada na anak ni Manila Mayor Joseph Estrada ay kapwa tumatakbo sa pagka-senador sa 2019 elections at kabilang sa 13 kandidato na iniindorso ng HNP.

Nagkamay din ang dalawa sa entablado sa Pampanga Capitol Compound.

Sa kaniyang speech, kabilang sa binanggit ni Ejercito ang pangalan ng half-brother na si Jinggoy.

Inamin din ni Senator JV na ilang taon silang hindi nagkamayan ng kapatid at ngayon lamang ito naulit.

TAGS: 2019 elections, elections, hugpong ng pagbabago, jinggoy estrada, JV ejercito, Politics, 2019 elections, elections, hugpong ng pagbabago, jinggoy estrada, JV ejercito, Politics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.