Measles Task Force itinatag ng DOH sa Calabarzon

By Ricky Brozas February 12, 2019 - 09:37 AM

Red Cross Photo
Dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng tigdas, nagtatag ng task force laban sa measles ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon Region.

Ayon kay DOH Region 4-A Director Dr. Eduardo C. Janairo, layon ng Measles Task Force na tiyaking naipatutupad na mabuti ang mga estratehiya at plano alinsunod sa pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng tigdas.

Makikipag-ugnayan din ang task force sa mga opisyal at mga ahensiya ng pamahalaan para makuha ang sapat na suporta at makasigurong maibibigay ang lahat ng pangangailangan.

Kasama sa Task Force ang lahat ng provincial health officers (PHOs), city health officers (CHOs), municipal health officers (MHOs), national immunization program (NIP) coordinators at mga provincial health team officers (PHTOs) at ang Development Management Officers (DMOs) sa rehiyon upang matugunan ang lumalalang kaso ng tigdas sa lugar.

Kailangan aniyang matiyak na may sapat na supply ng bakuna sa mga bayan at lungsod gayundin ang medical health personnel na magsasagawa ng pagbabakuna sa mga target na populasyon.

Naitala sa rehiyon ang lalawigan ng Rizal na may pinakamataas na bilang ng tigdas, 465; 167 sa Laguna; 142 sa Batangas; 126 sa Cavite; at 72 sa Quezon.

Ang pagbabakuna laban sa tigdas ang tanging paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

TAGS: calabarzon, department of health, measles outbreak, Radyo Inquirer, tigdas, calabarzon, department of health, measles outbreak, Radyo Inquirer, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.