Paliwanag ng pangulo, ayaw niya kasing mapagdudahan ang gabinete na ginagamit ang pondo ng bayan para ikampanya ang isang kandidato.
Hindi aniya makatarungan na gamitin ang resources ng pamahalaan para sa eleksyon.
Muli ring pinaalalahanan ng pangulo ang mga sundalo at pulis na manatiling neutral.
Gayunman, sinabi ng pangulo na bilang isang political entity, mag-iikot siya at mangangampanya para sa kanyang mga napiling kandidato.
“Ako, I said I have ordered the military, I have ordered the police neutral. Neutral ang Kabinete although they can campaign. Pero sa panahon ko, sabi ko huwag. Huwag kayong makialam sa politika. Bakit? Well, kung mag-travel ang Cabinet members, sabihin nilang “Punta kami doon mag-inspect.” But they use public money. And it also — always a suspect ‘yan para walang masabi na nagamit ‘yung ano,” ayon sa pangulo.
Sa ngayon, pasok sa listahan ng senatorial slate ng pangulo si Governor Imee Marcos, dating SAP Bong Go, dating political adviser Francis Tolentino at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.