3 warrant of arrest, isinilbi ng NBI sa akusado sa P6.4B shabu smuggling sa Customs
Isinilbi na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlo pang warrant of arrest na inilabas ng magkakahiwalay na hukom laban kay Dong Yi Shen, alyas Kenneth Dong, ang negosyanteng Chinese na pangunahing akusado sa P6.4 billion na smuggled na shabu of Customs noong 2017
Dalawa sa warrant na ito ay galing kay Judge Alma Cristina Collado Lacorte ng Manila Regional Trial Court Branch 21 dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang customs modernization and tariff act.
Walang inirekomendang piyansa si Judge Lacorte para sa pansamantalang paglaya ni Dong at iba pang kapwa niya akusado habang nililitis ang kaso.
Samantala, ang ikatlong warrant pf arrest sa katulad ring paglabag ay pinalabas ni Judge Teresa Soriaso ng Manila RTC Branch 27.
Ayon sa NBI, pinagsama na lamang ang tatlong kaso na napunta kay Judge Lacorte na itinalaga ng Korte Suprema bilang designated special tax court.
Bukod kay Kenneth Dong, atestado na rin ang iba pang akusado sa shabu smuggling na sina Customs broker Mark Taguba ay Eirene Mae Tatad.
Hinahanap pa rin ng NBI sina Tre Jay Marcellana, Li Guan Feng o alyas Manny Li, Chen Julong o si alyas Richard Tan, Chen I-Min, Jhu Ming Jyun, at Chen Rong Huan.
Nahaharap din sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa importasyon ng bawal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.