DFA hinikayat ang mga OFW na bumoto para sa 2019 midterm elections

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 09:09 AM

DFA Photo
Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo na bumoto.

Sa inilabas na paalala ng DFA, ang overseas voting para sa 2019 midterm elections ay magaganap sa April 13 hanggang May 13, 2019.

Ang kampanya ng DFA katuwang ang Comelec, Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV para sa Overseas Voting ay may temang “Patibayin ang Ating Demokrasya. Ating Karapatan at Katungkulan”

Para sa mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo, maaring bumisita sa pinakamalapit na embahada, konsulada, misyon o MECO upang makakuha ng iba pang impormasyon o kung sila ay may katanungan.

Maari ding bisitahin ang website ng Comelec at DFA o ang FB page na Overseas VotingPH.

TAGS: comelec, Department of Foreign Affairs, info campaign, overseas voting, Radyo Inquirer, comelec, Department of Foreign Affairs, info campaign, overseas voting, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.