Illegal refilling plant ng LPG sinalakay sa Talisay City sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 08:51 AM

CDN Photo

Sinalakay ng mga otoridad ang ilegal na refilling plant ng LPG sa Sitio Mananga 1, Barangay Tabunok sa Talisay City.

Ang nagsagawa ng pagsalakay ay pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) at Department of Energy sa Central Visayas (DOE-7).

Nasabat sa nasabing operasyon ang tinatayang P4 na milyon halaga ng mga gabmit at butane canisters na may lamang LPG.

Ayon kay DOE-7 legal officer, Atty. Russ Mark Gamallo, pag-aari umano ng isang dating pulis ang ilegal na refilling plant.

Kasamang nakumpiska ang 2,397 na mga empty canisters, 3,558 na LPG-filled canisters, 229 cylinders ng 50-kilogram na LPG, 3 refilling machines at 3 air compressors.

May nakuha ding apat na sasakyan kabilang ang isang land cruiser sa naturang lugar na ginagamit sa pagbiyahe ng mga produkto.

Ani Gamallo, mahaharap ang may-ari ng planta sa kasong paglabag sa Presidential Decree Number 1865 na nagbabawal sa pagbebenta at pagbiyahe ng adulterated na petroleum products.

Paliwanag ni Gamallo ang mga butane canister ay hindi dapat ginagamit para paglagyan ng LPG dahil ang materyales na ginamit sa paggawa nito ay hindi kayang tumagal sa pressure ng petroleum product.

TAGS: butane canisters, Department of Energy, illegal refilling plant, LPG, Talisay City, butane canisters, Department of Energy, illegal refilling plant, LPG, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.