P11M na halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat ng Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 08:39 AM

Coast Guard Photo
Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at PDEA ang aabot sa 11 milyon pisong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City.

Nasabat ang nasa 158 kahon ng sigarilyo sa Zamboanga City Pier.

Sakay ang mga ito ng MV Kristel Jane 3 na una nang inireport sa mga otoridad dahil sa kahina-hinalang dami ng tobacco products na laman nito.

Nang magsagawa ng operasyon ay natuklasan ng mga tauhan ng coast guard at PDEA ang mga smuggled na sigarilyo na itinago sa engine room ng barko.

Galing umano sa Sandakan Malaysia ang mga sigarilyo.

TAGS: coast guard, PDEA, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Zamboanga City, coast guard, PDEA, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.