US nagpalabas ng worldwide travel alert sa kanilang mga mamamayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2015 - 07:49 AM

ATTENTION EDITORS - VISUAL COVERAGE OF SCENES OF INJURY OR DEATH  A general view of the scene that shows rescue services personnel working near the covered bodies outside a restaurant following a shooting incident in Paris, France, November 13, 2015.   REUTERS/Philippe Wojazer - RTS6VON
REUTERS/Philippe Wojazer – RTS6VON

Dahil sa tumataas na banta ng terorismo sa iba’t-ibang panig ng mundo, nagbabala ang Estados Unidos sa kanilang mga mamamayan sa pagbiyahe.

Ayon sa US State Department, mataas ang banta hinggil sa patuloy na pag-atake ng mga grupong ISIL, Al-Qa’ida, Boko Haram at iba pang teroristang grupo.

Ang nasabing banta ng pag-atake umano ay mayroong wide variety of tactics gamit ang conventional weapons. “These attacks may employ a wide variety of tactics, using conventional and non-conventional weapons and targeting both official and private interests,” ayon sa abiso ng US State Department.

Mananatili ang pag-iral ng worldwide travel alert ng US sa kanilang mga mamamayan sa loob ng tatlong buwan.

Tinukoy sa abiso ang pagtarget ng mga terorista sa malalaking sporting events, theatres, open markets, at aviation services.

Binanggit din ng US ang mga pag-atake na naganap sa France, Nigeria, Denmark, Turkey, at Mali, maging ang pag-ako ng ISIL sa pambobomba sa Russian airliner sa Egypt.

Ayon sa babala, dapat maging mapagmatyag ang mga U.S. citizens lalo na kung sila ay nasa mga public places o gumagamit ng mga public transportation.

Pinaiiwas din ang mga mamamayan ng Amerika sa mga matataong lugar at pagtungo sa mga events kapag holiday season at mga holiday festivals.

Pinayuhan ang mga U.S. citizen na palagiang imonitor ang mga balita at impormasyon na may kaugnayan sa mga pagbiyahe.

Kabilang sa mga paalala na nakasaad sa travel alert ang mag sumusunod:

• Follow the instructions of local authorities. Monitor media and local information sources and factor updated information into personal travel plans and activities.
• Be prepared for additional security screening and unexpected disruptions.
• Stay in touch with your family members and ensure they know how to reach you in the event of an emergency.
• Register in our Smart Traveler Enrollment Program (STEP).

Tiniyak ng U.S. State Department na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mabantayan ang kilos ng mga terorista at mahadlangan ang posibleng pag-atake ng mga ito.

TAGS: US state department issues worldwide travel alert for their citizens, US state department issues worldwide travel alert for their citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.