Thai Princess, hindi pinayagan tumakbo bilang Prime Minister

Reuters Photo
Tuluyan ng hindi pinayagan na tumakbo bilang Prime Minister si Thai Princess Uboltrana Rajakanya.

Ibinasura ng Electoral Commission ng Thailand ang kandidatura ng prinsesa.

Ayon sa komisyon, ang monarchy ay hindi dapat makisawsaw sa pulitika.

Magugunitang inannunsyo ng prinsesa 67-anyos ang kaniyang balak sa pagtakbo bilang isang prme minister ng bansa.

Agad namang kumontra ang kapatid ng prinsesa na si King Maha Vajiralongkorn dahil hindi raw sila dapat mangialam sa takbo ng pulitika.

Nakatakdang ganapin ang halalan sa Marso 24.

Read more...