Commander Bravo dismayado sa resulta ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 07:59 AM

BOL Plebiscite | Comelec Photo
Dismayado ang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa northwestern Mindanao na kilala bilang si Commander Bravo sa naging resulta ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lanao Del Norte.

Ayon kay MILF chair Murad Ebrahim, sa kabila ng pagkadismaya ay suportado naman ni Commander Bravo ang hakbang ng MILF para makamit ang otonomiya.

Sinabi ni Ebrahim na kumpiyansa silang susuportahan at tatanggapin ni Commander Bravo ang polisiya ng mayorya ng MILF.

Tiniyak din aniya ni Commander Bravo na susunod ito sa central committee ng MILF.

Ayon kay Ebrahim, naisumite na niya kay Pangulong Rodrigo Durterte ang listahan ng 41 nominado na maaring bumuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) at inaantay na lang niya ang pagtatalaga ng nalalabi pa na bubuo sa 80-member body.

Si Ebrahim ang inaasahang mamumuno sa BTA bilang interim chief minister.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, BOL plebiscite, Lanao del Norte, Radyo Inquirer, Bangsamoro Organic Law, BOL plebiscite, Lanao del Norte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.