Chinese national arestado sa panghihipo sa tatlong babae sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 06:52 AM

Inaresto ang isang Chinese national matapos ireklamo ng panghihipo sa tatlong babae sa theme park sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Zhang Yang na 19 anyos lamang at nagtatrabaho sa isang online casino.

Ayon sa mga biktima, pumasok silang magkakaibigan sa loob ng horror house ng theme park at doon ay hinawakan ng suspek ang pribadong parte ng kanilang katawan.

Sinabi ni PO3 Vanessa Camisera ng Women and Children’s Protection Desk sa Pasay City police, kasong acts of lasciviousness ang maaring kaharapin ng suspek.

Tinangka pa ng suspek na makipag-ayos sa pamilya ng mga biktima pero desidido ang mga ito na isulong ang kaso.

TAGS: arrested, chinese national, Pasay City, Radyo Inquirer, arrested, chinese national, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.