5 snatcher kabilang ang apat na menor de edad arestado sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 06:42 AM

Arestado ang limang lalaki sa Sampaloc, Maynila makaraang pagnakawan umano ng cellphone ang isang estudyante.

Sa imbestigasyon, nag-aabang ng masasakyang jeep ang biktima sa Mendoza Street nang nakawain ang kaniyang cellphone.

Nagsisigaw naman ang estudyante dahilan para makuha ang atensyon ng pulis na malapit lang sa lugar kaya nadakip ang mga suspek.

Sinabi ni PO1 Genevieve Evangelista ng Manila Police District Station 4, modus ng mga suspek na ipitin ang kanilang biktima.

Aminado naman ang 20 anyos na liderng grupo sa kanilang ginawa.

Niyaya umano niya ang apat na menor de edad na sumama sa kaniyang operasyon.

Sinabi rin ng 20-anyos na ilang buwan na niyang ginagawa ang pagnanakaw ng cellphone sa Maynila at maging sa Quezon City.

Nakakulong na sa station 4 ng MPD ang 20 anyos na suspek habang dadalhin sa DSWD ang apat na menor de edad.

TAGS: Cellphone snatcher, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila, snatching, Cellphone snatcher, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila, snatching

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.