Dating barangay tanod at 2 kaibigan arestado sa buy-bust sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 06:37 AM

Arestado ang isang dating barangay tanod at dalawang kaibigan niyang babae sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Supt. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District Station 3, matagal nang isinasailalim sa surveillance ang mga suspek.

Mariin namang itinanggi ng dating tanod na si alyas Jay na siya ay sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Aniya, posibleng may galit sa kaniya na nag-set up sa kaniya at nagsumbong ng mali sa mga pulis.

Gayunman, ang dalawang babaeng naaresto ay positibo siyang itinuturo bilang supplier ng ilegal na droga.

Nakuha sa kanila ang apat na pakete ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust operation, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.