Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 06:33 AM SHARE(S):

Ipinatupad na ang panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis ngayong umaga.

Ayon sa mga kumpanyang Shell, Fying V, Petron, Caltex at Seaoil may dagdag silang 90 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel at 85 centavos sa kada litro ng kerosene.

May parehong halaga ng dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ang Petro Gazz, PTT, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Unioil at Jetti.

Epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanya ng langis bukas kaninang alas 6:00 ng umaga.

Ang dagdag presyo ay matapos ang karampot na bawas sa halaga ng presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

TAGS: BUsiness, oil price, Radyo Inquirer, BUsiness, oil price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.