PNP: Seguridad sa simula ng kampanya, kasado na

Kasado na ang seguridad para sa simula ng kampanya ngayong Martes February 12 para sa mga kandidato sa national positions sa mid-term elections.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, “all set” na ang security measures para sa campaign period.

Kasabay nito ay patuloy anyang sinusuri ng PNP ang listahan ng mga elections hotspots.

Nadagdagan anya ang bilang ng election hotspots o iyong mga lugar na kritikal sa halalan base sa alituntunin na itinakda ng Commission on Elections (Comelec).

Dagdag ni Albayalde, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para masiguro ang payapa at maayos na panahon ng kampanya.

Nakalatag na anya ang deployment ng mga pulis at pinaplantsa na lamang ang kanilang security plan.

Read more...