Enrile: “Huwag ninyong kalimutan si Armida”

By Len Montaño February 12, 2019 - 02:52 AM

Senate photo

Ikinalungkot ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang half-sister na si Armida Siguion-Reyna.

Sumakabilang buhay si Armida Lunes ng tanghali sa edad na 88.

Sa kanyang programa sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television na Itanong mo kay Manong Johnny, sinabi ni Enrile na nagkasakit ang kanyang kapatid ng pneumonia pagkatapos ay may nakitang problema sa colon.

Ayon kay Enrile, magkakaroon ng misa sa Manila Memorial Park at ang burol ay sa Heritage Park sa Taguig City.

Hiniling ni Enrile sa publiko na huwag kalimutan ang kanyang kapatid at ipagdasal ang kaluluwa nito.

Dagdag ni Manong Johnny, isinulong ni Armida ang wikang Filipino sa kanyang mga kanta, isa na rito ang sikat na “Aawitan kita.”

Ang Filipino music icon na si Siguion-Reyna ang producer at host ng award-winning show na “Aawitan kita” at huli itong lumabas sa drama na “Filipinas” noong 2003.

TAGS: “Itanong mo kay Manong Johnny, Aawitan kita, Armida Siguion-Reyna, Filipino music icon, Juan Ponce Enrile, wikang Filipino, “Itanong mo kay Manong Johnny, Aawitan kita, Armida Siguion-Reyna, Filipino music icon, Juan Ponce Enrile, wikang Filipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.