Duterte: NPA hindi kailangan sa land reform

By Len Montaño February 12, 2019 - 01:54 AM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ang komunistang New People’s Army (NPA) para mamahagi ng mga lupa sa mga walang lupang magsasaka.

Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng kanyang administrasyon, ibibigay niya ang lahat ng publikong lupa sa mga magsasaka.

Inatasan ni Duterte si Agrarian Reform Sec. John Castriciones na ibigay ang lahat ng lupa sa mga tao.

“Ibigay mo na lahat. Hindi na natin kailangan ang NPA, what for?” pahayag ng Pangulo.

“Ang plano ko…ibibigay ko lahat sa panahon ko…lahat ng lupa ng gubyerno. Wala namang nakikinabang,” ani Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Buluan, Maguindanao.

TAGS: DAR Sec. John Castriciones, land reform, lupa, lupa ng gobyerno, magsasaka, NPA, Rodrigo Duterte, DAR Sec. John Castriciones, land reform, lupa, lupa ng gobyerno, magsasaka, NPA, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.