Higit 11,000 bagong HIV-AIDS cases, naitala ng DOH noong 2018

By Len Montaño February 12, 2019 - 12:29 AM

Mahigit 11,400 na bagong kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng Department of Health (DOH) noong 2018.

Ang bilang ay mas mataas kumpara sa naitalang kaso noong 2017 na 11,100.

Kaugnay ng transmission o paraan ng pagkahawa ng HIV-AIDS, 98 percent ng mga kaso ay sa pamamagitan ng pagtatalik habang 88 percent ay ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Sa abiso ng DOH, hinimok ang publiko na magpasuri o sumailalim sa HIV-AIDS test.

Sa mga taong nagpositibo sa virus, sagot ng gobyerno ang gamot na anti-retroviral drugs.

TAGS: anti-retroviral drugs, bagong kaso, doh, HIV-AIDS, pagtatalik, anti-retroviral drugs, bagong kaso, doh, HIV-AIDS, pagtatalik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.