Duterte, aminadong walang magagawa sa mataas na presyo ng petrolyo

By Len Montaño February 12, 2019 - 12:03 AM

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang magagawa sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo kahit ibitay pa siya.

Sa kanyang talumpati sa distribusyon ng Certificates of Land Ownership Awards sa mga magsasaka sa Buluan, Maguindanao, sinabi ng Pangulo na sa imported oil lamang umaasa ang Pilipinas.

“Alam mo ngayon wala tayong oil. So every time tataas ‘yung oil, automatic tataas lahat ‘yan,” he said. “Yan hindi natin ma [control]. Even if you hang me, wala tayong magawa. Bitayin mo man, ako ‘pag tumaas ‘yung oil tataas talaga ‘yung presyo because everything that you see is a product of oil,” ani Duterte.

Ayon pa sa Pangulo, walang buffer o reserba ang bansa para tugunan ang mataas na presyo ng petrolyo sa world market.

“Kaya tayo ‘pag increase, wala tayong buffer, walang reserba pangsagang, pang-cover natin. So pagtaas niyan, taas lahat,” paliwanag ng Pangulo.

Ang Pilipinas anya ay hindi kasing-swerte ng Brunei, Malaysia at Indonesia na mga bansang may sariling oil resources.

Una nang sinabi ni Duterte na ang mataas na presyo ng langis ay dahil sa mataas na inflation na umabot sa 9-year high na 6.4 percent noong August 2018.

Inaprubahan naman na ng Pangulo ang pangalawang bugso ng excise tax sa produktong petrolyo na epektibo noong Enero sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

TAGS: buffer, oil price, oil price hike, reserba, Rodrigo Duterte, train law, buffer, oil price, oil price hike, reserba, Rodrigo Duterte, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.