Bagyong Marilyn, bumagal pa, 7kph na lang ang kilos
Patuloy sa pagbagal ang kilos ng Bagyong Marilyn na ngayon ay nasa 7 kilometers kada oras na lamang ang galaw sa direksyon ng North Northeast.
Huling namataan ang bagyo sa 1,015 kilometer East ng Tuguegarao City.
Napanatili naman nito ang lakas na 150 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 185 kilometers kada oras.
Inaasahang sa Huwebes ng umaga ay lalabas na ng bansa ang bagyong Marilyn.
Ayon kay PAGASA Forecaster Lorie dela Cruz, sa ngayon, wala pang nakikitang bagyo o sama ng panahon ang PAGASA na papalapit sa bansa.
Kung pagbabatayan ang rekord sa nagdaang mga taon, mayroong isa hanggang dalawang bagyo na pumapasok sa bansa kapag Disyembre.
Samantala, para sa lagay ng panahon ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan sa Eastern Visayas.
Bahagyang maulap naman na may isolated nap ag-ulan sa bahagi ng Cagayan at Batanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.