Pilot run ng Angkas aprubado na ng Kamara at DOTR

By Erwin Aguilon February 11, 2019 - 10:41 PM

Nagkasundo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

Binigyang-diin din ni Rep. Winston Castelo, pinuno ng komite na ang provisional authority para sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Angkas ay lubhang kailangan ng libu-libong mananakay na araw-araw na nahihirapan sa kanilang pagko-commute.

Malaking tulong din ito, aniya, upang muling magkaroon ng hanapbuhay ang may 27,000 Angkas-biker partners na nawalan ng kita simula nang magbaba ang Korte Suprema ng TRO noong Disyembre.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpupulong ng TWG.

TAGS: Angkas, Angkas-biker partners, dotr, IRR, motorcycle ride-hailing service, pilot run, twg, Angkas, Angkas-biker partners, dotr, IRR, motorcycle ride-hailing service, pilot run, twg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.