Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng certificates of land ownership awards para sa mga magsasaka sa Buluan, Maguindanao, tinanong ng Pangulo kung kailan pa nagkaroon si Sison ng sarili nitong pamahalaan.
Matatandaan na noong Biyernes ay muling binuksan ng Pangulo ang posibleng pagpapatuloy ng peace talks sa mga komunista sa kundisyon na ititigil na ng mga ito ang pangingikil at pagkolekta ng revolutionary tax.
Pero depensa ni Sison, kailangan ng “people’s government” ang pondo para sa implementasyon ng iba’t ibang programa.
Pero ayon kay Duterte, nanaginip lamang si Sison.
“Gusto niyo patayan lang palagi, tapos mag-dream ka na kailangan ka mag-extort kasi ‘yung inyong gobyerno kailangan mabuhay,” pahayag ng Pangulo.