Duterte, ikakampaya ang sariling senatorial bets

By Chona Yu February 11, 2019 - 09:51 PM

Walang administration slate sa halip ay Presidential slate ang aktibong ikakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa May 13 midterm elections.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sarili kasing listahan ng mga kandidato sa pagka-senador ang Pangulo na iba sa kanyang partido na Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan o PDP Laban at Hugpong ng Pagbabago na regional party naman ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Asahan na aniya na magiging visible at aktibo ang Pangulo sa pag-endorso ng kanyang sariling mga kandidato.

Pasok sa listahan ng Pangulo sina dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dating Political Adviser Francis Tolentino, dating PNP chief Director General Ronald dela Rosa, Senators Cynthia Villar, Sonny Angara, at JV Ejercito, Representative Pia Cayetano, Governor Imee Marcos, dating Senador Jinggoy Estrada at si Freddie Aguilar.

Nakahanda aniya ang Pangulo na isugal ang kanyang kredibilidad sa kanyang mga kandidato.

Ito ay kahit na nasasangkot sa korupsyon ang ilang pambato ng Pangulo gaya nina Estrada at Marcos.

Ayon pa kay Panelo, maraming beses nang nagkaroon ng  hindi popular na desisyon ang Pangulo subalit nanatiling mataas ang kumpiyansa ng taong bayan sa punong ehekutibo.

Ayon anya sa Pangulo, ang mga botante rin naman ang may huling pasya kung sinong kandidato ang ilalagay sa balota sa May 13 elections.

TAGS: 2019 midter elections, PDP Laban, Presidential slate, Rodrigo Duterte, senatorial bets, 2019 midter elections, PDP Laban, Presidential slate, Rodrigo Duterte, senatorial bets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.