14,000 pulis, itatalaga ng NCRPO sa simula ng kampanya
Aabot sa 14,000 pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila sa simula ng kampanya ng mga kandidatong senador at paty-list groups bukas Martes February 12.
Inabisuhan na rin ng NCRPO ang publiko na sa pagsisimula ng campaign period ay lalong maghihigpit at may dagdag na mga alituntunin na itinakda ang Commission on Elections (Comelec).
Humingi naman ng depensa si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar sa publiko na intindihin ang paghihigpit na kanilang ipapatupad.
Pinaalalahanan ni Eleazar ang mga senatorial candidates at political groups na makipag-ugnayan sa otoridad para masiguro ang permit tuwing magsasagawa ng political rallies at meeting de avance.
Nagpaalala rin si Eleazar sa mga pulis sa Metro Manila na panatilihin ang non-partisan position sa paghawak ng mga kaso na may kinalaman sa pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.