1 patay, 10 arestado sa police operation sa Cavite

By Len Montaño February 11, 2019 - 09:22 PM SHARE(S):
Bacoor PNP photo

Patay ang isang drug suspect matapos umanong manlaban sa operasyon ng pulisya sa Bacoor, Cavite Lunes ng hapon.

Ayon kay Cavite provincial director Sr. Supt. William Segun, nagsilbi ng 4 na search warrants sa Bgy. Talaba 4 na nagresulta sa enkwentro sa pagitan ng pulisya at ng suspek na is Gregorio Ugali, 47 anyos.

Sa gitna ng pagsisilbing ng warrant ay pinaputukan umano ng baril ni Ugali ang mga pulis pero sumablay ito.

Gumanti ng putok ang otoridad na nagresulta sa agarang pagkasawi ng suspek.

Bacoor PNP photo

Samantala, sampung drug suspects ang inaresto sa implementasyon ng mga search warrants.

Nakakulong na ang mga suspek sa Bacoor custodial center at nahaharap sa kaukulang kaso.

Bacoor PNP photo

Narekober sa mga naaresto ang ilang droga at iba’t ibang drug paraphernalia.

TAGS: Cavite police, drug operation, drug suspect, enkwentro, search warrant, Cavite police, drug operation, drug suspect, enkwentro, search warrant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.