Malacañang: Pagdulog ng mga mambabatas sa SC dahil sa nat’l budget oks lang

By Chona Yu February 11, 2019 - 07:25 PM

Inquirer file photo

Iginagalang ng Malacañang ang balak nina Senators Panfilo Lacson, Franklin Drilon at Congressman Rolando Andaya Jr. na dumulog sa Korte Supreme para kwestyunin ang umanoy P75 Billion pork barrel funds na  nakasingit sa P3.7 Trillion 2019 national budget

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,  karapatan ng tatlo na gawin ang mga hakbang na sa tingin nila ay tama.

Pero payo ni Panelo sa tatlo, sa halip na mag-aksaya ng panahon sa Supreme Court ay mas makabubuting i-override na lamang ang veto power ng pangulo.

Tungkulin aniya ng mga mambabatas na rebyuhin, rebisahin o amyendahan ang pambansang pondo.

Kasabay nito, tiwala si Panelo na kaya na nina Budget Secretary Benjamin Diokno at Cabinet Sec. Karlo Alexis Nograles na dipensahan ang kanilang mga sarili sa alegasyon ni Andaya na minaniobra nila na ibalik ang P75 Billion pork budget sa national budget.

TAGS: andaya, Drilon, lacson, national budget, panelo, pork, andaya, Drilon, lacson, national budget, panelo, pork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.