Armida Siguion-Reyna namatay na

By Den Macaranas February 11, 2019 - 07:16 PM SHARE(S):
File photo

Sumakabilang-buhay na kaninang tanghali sa Makati Medical Center ang beterarang aktres, singer at TV/Film producer na si Armida Siguion-Reyna sa edad na 88.

Ang nasabing balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang programa sa Radyo Inquirer na “Itanong mo kay Manong Johnny”, sinabi ni Enrile na dalawang linggo nang labas-masok sa pagamutan ang kanyang nakababatang kapatid.

Dumanas si Siguion-Reyna ng pneumonia at colon cancer ayon pa sa dating mambabatas.

Nauna dito ay lumabas rin ng mga ulat na mayroong alzheimer’s disease ang aktres.

Sinabi ni Enrile na kinausap na niya ang kanyang mga pamangkin at apo na tanggapin nang maluwag sa kanilang kalooban ang pagpanaw ni Siguion-Reyna.

Bagaman nalalapit na ika-95 kaarawan ni Enrile sa February 14 ay hindi kumpleto ang kanyang kasiyahan dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

Wala pang inilalabas na detalye kaugnay sa lamay at libing ang mga anak ng namayapang aktres.

TAGS: armida siguion rayne, cancer, juan ponce enrile, makati medical center, armida siguion rayne, cancer, juan ponce enrile, makati medical center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.