100% safe electronic transmission ng election result tiniyak ng Comelec

By Ricky Brozas February 11, 2019 - 04:34 PM

Sisikapin ng Commission on Elections (Comelec) na makapag-transmit ng 100 porsiyento ng resulta ng 2019 national and local elections sa pamamagitan ng electronic transmission.

Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, sa pamamagitan ng trusted build o transmission router/ gateway, matitiyak na aabot ang resulta ng eleksiyon sa transparency server at sa central server sa oras.

Ang binubuong trusted build para sa transmission router/gateway ay subject din ng source code review.

Ayon kay Casquejo, sakaling magkaiba  ang SD card sa CS machine ay magkakaroon ng maraming tanong.

Inihahanda na rin ng Comelec ang mga counter measure sa pananabotahe ng signal kabilang dito ang pagtatalaga ng karagdagang pulis at mga sundalo

Kung wala namang signal ay ililipat ang makina sa lugar na may malakas na server ngunit ang paglilipat o pag-aalis ng SD card ay gagawin sa harap ng board of canvassers.

TAGS: Commission on Elections (Comelec), Commissioner Marlon Casquejo, CS machine, Commission on Elections (Comelec), Commissioner Marlon Casquejo, CS machine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.