Bigtime na drugs pusher sa Lucena City patay sa buy bust operation

By Angelic Jordan February 11, 2019 - 03:53 PM SHARE(S):

Dead-on-the-spot ang isang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Lunes ng umaga.

Ayon kay Lucena Police Chief Supt. Reydante Ariza, napatay ng locak drug enforcement unit si Dennis Valles, 38-anyos, matapos pumalag sa otoridad.

Nahuli kasi si Valles na nagbebenta ng shabu ng isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa Barangay Cotta dakong 4:55 ng umaga.

Batay pa sa ulat, aarestuhin na ng pulis si Valles nang biglang bigla siyang bumunot ng Cal.38 na revolver at binaril ang mga pulis.

Wala namang tinamaan sa nasabing pamamaril kaya napilitina ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok na nagresulta sa kamatayan ng nasabing tulak.

Nakuha sa suspek ang limang pakete na naglalaman ng 2.30 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P4,250.

Ayon sa pulisya, isa nang nakulong ang suspek dahil sa kasong pagnanakaw ngunit nagsimulang magbenta ng shabu matapos makalabas sa kulungan.

TAGS: drugs, Lucena City, PNP, shabu, valles, drugs, Lucena City, PNP, shabu, valles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.