PRA aminado na may epekto sa kapaligiran ang Manila Bay Reclamation project

AFP PHOTO/NOEL CELIS

Ipinagtanggol ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang dalawampu’t dalawang pending na reclamation application sa bahagi ng Manila Bay.

Sa pulong ng House Metro Manila Development Committee ukol sa Manila Bay rehabilitation, idinepensahan ito ng P-R-A assistant general manager for reclamation and regulation na si Atty. Joseph Literal.

Nang tanungin kung walang epekto sa kapaligiran, inamin ni Literal na mayroon itong epekto.

Gayunman, sinabi ng abogado na mayroong ginagawang sistema para mabawasan ang hindi magandang epekto nito.

Sakaling maaprubahan, sinabi ni Literal na aabot sa 20,000 na ektarya ang maaapektuhan sa kabuuang 199,000 ektaryang lupang sakop ng Manila Bay.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 74, inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan ng pag-apruba ng reclamation projects sa P-R-A mula sa National Economic Development Authority (NEDA).

Read more...