Malacañang naglabas ng circular para pabilisin ang infra projects

By Den Macaranas February 11, 2019 - 03:13 PM

Naglabas ng kautusan ang Malacañang para sa mabilis na pagtapos sa mga infrastructure project ng pamahalaan.

Ang mga tauhan ng gobyerno na hindi makakasunod sa timelable partikular na sa mga infra projects ay mahaharap sa kaukulang kaso at disciplinary question.

Ang nasabing Memorandum Circular 57 ay inilabas noong February 7 ni Executive Sec. Salvador Medialdea.

Sa ilalim ng nasabing circular, lahat ng mga pinuno, opisyal at kawani ng ng mga departments, bureaus, government-owned and controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges at local government units ay dapat sumunod sa mga ilalabas na polisiya kaugnay sa mga government infrastructure projects.

Laman rin ng nasabing polisiya ang mga sanctions at parusa na kakaharapin ng mga hindi makakasunod sa timetable ng mga proyekto.

Nakasaad sa circular na ang Department of Public Works and Highways, bilang chair of the Cabinet Infrastructure Cluster, ang siyang mangunguna sa pagtiyak na matatapos sa takdang oras ang mag proyekto ng gobyerno.

Nauna dito ay inamin ni Pangulong rodrigo Duterte na naiinip siya sa mabagal na mga infra projects ng pamahalaan sa mga lalawigan.

Sinabi ng pangulo na kailangang magamit agad ng sambayanan ang mga proyektong pinondohan sa ilalim ng Build Build Build project ng pamahalaan sa susunod na limang taon.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng $158 Billion na huhugutin mula sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

 

Kabilang dito ang mga bagong airport, pier, mga daan, tulay at iba pang infrastructure project.

TAGS: buiul build build, BUsiness, DPWH, Memorandum Circular 57, Sec. Salvador Medialdea., train law, buiul build build, BUsiness, DPWH, Memorandum Circular 57, Sec. Salvador Medialdea., train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.