Budget Secretary Diokno pumalag sa P75B pork insertion
Baseless, premature at iresponsable.
Ito ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng alegasyon ni Congressman Rolando Andaya na minaniobra ng kalihim at ni Cabinet Secrtary Karlo Alexi Nograles ang pagbabalik sa P75 bilyon na pork barrel funds sa P3.8 trilyon na 2019 national budget.
Paliwanag ni Diokno, tungkulin niya na bigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng opsyon para gamitin ang kanyang constitutional duty na rebisahin, tanggalin o baguhin ang mga item na kinakialangan na i-veto.
Iginiit pa ni Diokno na noon pa man, palagi nang naghahanda ang Department of Budget and Management (DBM) ng statement of difference kung saan maaring ikumpara ang inihandang budget ng pangulo at ng kongreso.
Ayon pa kay Diokno, hindi minomonopolya ng DBM ang budget.
Tungkulin din aniya ng kongreso na amyendahan o rebyuhin ang budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.