Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng ipatutupad na oil price hike bukas, Feb. 12

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 12:57 PM SHARE(S):

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo bukas.

Ayon sa kumpanyang Shell, magdaragdag sila ng 90 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel at 85 centavos sa kada litro ng Kerosene.

May parehong halaga ng dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ang Petro Gazz, PTT, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum.

Epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanya ng langis bukas, Feb. 12, alas 6:00 ng umaga.

TAGS: oil price hike, Radyo Inquirer, oil price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.