Mga aktibong tauhan ng AFP, PNP at PCG may 20% na sa mga bus

Maari nang makatanggap ng 20 percent na discount sa mga pampasaherong bus ang mga aktibong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa Department of Transportation, simula ngayong araw, Feb. 11 epektibo ang diskwento sa mga aktibong pulis, sundalo at copast guard sa mga city at provincial Public Utility Buses (PUBs).

Para makakuha ng discount, kailangan lamang ipakita nila ang kanilang ID.

Isang memorandum of agreement ang nakatakdang lagdaan nina AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., PNP Chief Director General Oscar Albayalde, PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, LTFRB Chairman Martin Delgra III, at mga bus operator.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade kay Pangulong Rodrigo Duterte mismo nagmula ang direktiba para bigyan ng discount sa bus ang mga uniformed personnel.

Ito ay bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang serbisyo sa bansa.

“In line with the President’s directive, this is our way of giving back to our soldiers, policemen and Coast Guard servicemen who secure our nation and protect the Filipino people. We owe the peace and order and national security of our country to their inspiring service,” ani Tugade.

Read more...