Pustahan sa resulta ng eleksyon maituturing na election offense – Comelec
Maituturing umanong paglabag sa umiiral na batas kaugnay sa eleksyon ang pagsasagawa ng pustahan sa resulta ng 2019 midterm elections.
Ito ang naging babala ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo ang pagpupustahan sa resulta ng halalan ay isang election offense pero kailangan aniya ng pormal na reklamo para mapanagot ang mga sangkot.
Aminado naman si Casquejo na mahirap para sa kanilang mahuli ang mga masasangkot sa pagsusugal o pustahan sa eleksyon.
Hindi kasi aniya madaling mahikayat ang publiko na maghain ng reklamo tungkol dito.
Ganoon din aniya ang sitwasyon tungkol sa vote buying na mahirap may mapanagot dahil walang nagrereklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.